Sabado, Hulyo 1, 2017

MGA PARAAN PAANO PANGALAGAAN ANG KALIKASAN

 Sa ating henerasyon ngayon ay maraming mga kalamidad ang nangyari. Ito ay epekto ng ating mga kapabayaan sa ating kalikasan. Ang mga hindi dapat o ang mga ipinagbabawal na gawain ay ating gingawa. Katulad ng pagtapon ng mga basura kung saan saan. Pagputol ng mga puno sa mga kabundukan, pagmimina, pagkakaingin at iba pang mga illegal na gawain sa kalikasan. 


Kaya dapat natin gawan ng paraan upang hindi na ipagpatuloy ang mga ginagawa natin sa ating kalikasan. Ano-ano ba ang dapat nating gawin?

1. Itapon natin ng maayos ang ating mga basura sa tamang lalagyan. Segregate ng maayos ang mga Nabubulok, Di-nabubulok, mga plastik at recyclable materials sa mga lalagyan nito. Huwag itapon ang mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.

2. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng lupa  "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. At dahil sa mga puno ay may nalalanghap tayong preskong hangin upang tayo ay mabuhay.


3. Ang pagbawas ng mga sasakyang naglalabas ng itim na usok. Ito ay nagiging sanhi ng Air pollution sa ating bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap  ay napapalitan ng maruming hangin.

4. Pigilan ang pang-aabuso sa lupa, deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuli ng mga hayop upang ibinta.

5. Ang dynamite fishing, cyanide fishing at muro-moro system na ginagamit ng mga mangingisda ay dapat ng pigilan. Dahil sa mga gawaing ito ay marami na ang mga nasisira at namamatay na mga likas na yamang tubig.


Ang pang aabuso natin sa kalikasan ay tayo rin ang naapektuhan at naghihirap sa tuwing may kalamidad na dumadating. Maraming pwedeng gawin para hindi ito mangyari sa ating lahat. Kung sinusunod lang sana natin ang mga batas ay magandang buahay ang ating mararanasan. Wala sanang mga pollution at kalamidad na dumadating sa ating mundo. Kaya lahat tayo ay dapat na magtulungan. Lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan.

Kaya habang hindi pa huli ay dapat na nating pigilan ang mga gawaing illegal sa ating kalikasan, puksain ang mga ito. Huwag hayaang magpatuloy pa ito. Na sa huli ang pagsisi natin dahil hindi natin napigilan ito.


                                            "SAVE MOTHER EARTH, SAVE LIFE"